Read Ebook: Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at Nang Manga Nacasama Niya na Sina P. Jacinto Zamora P. Mariano Gómez at and Nadayang Miguel Zaldua by L Pez Honorio
Font size:
Background color:
Text color:
Add to tbrJar First Page Next Page
Ebook has 331 lines and 13365 words, and 7 pages
ANG TUNAY NA B?HAY
MAYNILA: 1912.
PASIMULA
Sa tap?t n~g nasang namuco sa dibdib, tap?t na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni-guni'y linupig na tiqu?s.
Cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may gan?p na bait camahalang in~gat, macapagpupuno sa caculan~gang lahat.
Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan n~g canilang <> sa Mundong ibabao, na cusang natapos sa abang bitayan, sa pagsintang lub?s sa tinubuang bayan.
Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat, unang <
Sila namang tunay ang unang larauan na dapat tularan nating calahatan sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan nitong ating bayang lagui sa ligamgam.
Caya ang marapat, oh m~ga capatid: silang m~ga <
Gayon din naman sa cailan pa man dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan na nagcucunuari <
Caya ang mabuti ay tularang lub?s m~ga halimbaua ni na Padre Burgos, G?mez at Zamora na pauang tagalog sa tinubuang bayan marunong umirog.
Sa baua't may nasang ibig na bumatid n~g canilang b?hay tunay na sinapit basahing tuluyan pagtiagaang tiqu?s cusang ipatuloy itong natititic.
Bahala na sana inyong camahalan mag lapat nang ganap sa labis at culang sa baua't talatang inyong matagpuan uari'y nalilihis doon sa catuiran.
N~guni't ang samo co bago mo punah?n ang lih?s sa uari, maiguing linin~gin maca ca sacali naman na malinsil sa daang casamaan malagos na tambing.
Cung magcacagayon ang pasasalamat sa camahalan mo aquing iguinagauad at mag-utos naman sa lahat nang oras sa laang capatid na casuyong tapat.
AT NANG MAN~GA CASAMA.
P?NO NANG SALIT?
Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad Fernandinang sacd?l sagana sa gal?c sa buong Iloco na ualang catulad doon naguing tauo si Burgos na hay?g.
Ta?ng isang libo ualong daang tunay apat na puo't dalua siyang cabilan~gan nang siya'y ian?c nang in?ng hinirang may tacot sa Dios, mabuting magmahal.
Siya'y na-uucol sa isang <
Mulang camusmusan nitong ating Burgos sa bait na taglay uala nang aayos gayon din sa talas nang isip na imp?c, caya't maaga siyang pinaturuang lub?s.
Hindi nalaunan caniyang pag-aaral naisipan n~gani nang m~ga magulang dito sa Maynila iluas na tunay upang pag-aralin sa San Juan de Letran.
Caya iniluas itinuloy muna sa bahay nang canyang ti?ng sinisinta teniente pr?ctico nang artilleria Juan Antonio Aelle ang pan~galan baga.
Siya'y itinir? na hindi naluatan sa Letrang colegio, ang nacacabagay ay duc-hang ulila sa m~ga magulang, sa loob nang Dios tinangap din naman.
Sisiy?m na ta?n cabilan~gang edad nang siya'y parito at masoc na cagyat sa colegiong yaong hinahan~gad-han~gad nang caniyang budhi at loob na in~gat.
Doon n~ga nag-aral na hindi nagtahan hangan sa sinapit at cusang nacamtan ang gradong "bachiller" gayong pag-aaral sa "artes" nahay?g ang siyang pan~galan.
Nang ito'y macamtan nitong Burgos natin gumising sa caniyang puso ang tun~guhin yaong "Pagpapari Sacerdociong" tambing sa "eclesi?sticong carrerang" mahinhin.
At hindi na niya tinuloy na lub?s "carrerang derechong" sinisintang puspus nang m~ga magulang, ang cusang sinunod ang buco nang dibdib gumising sa loob.
Caya n~ga't pagdaca ay pinag-aralan Teologiang mahal sa isang maalam na fray Ceferino Gonzalez ang n~galan na hindi nalaon ay naguing Cardenal.
Dito na tinam? yaong mantong az?l at belang mapula na ualang caucol, caya ang caniyang familia n~ga noon ang toua nang dibdib ay hindi gagayon.
Madali't salita nang ito'y malaman na sa Pagpapari ang pag-aaralan nang caniyang magulang cusang binayaan tanang hanap buhay sa ciudad nang Vigan.
Dito sa Maynila sila'y tumahan na dahil sa pagsunod sa an?c na sinta na di man nangyari caibig?n nila ano mang pamanhic di nangyari baga.
Ang luhang tumulo sa man~ga magulang hindi man pinansin at pinagpilitan ang hilig n~ga niya na mag-paring tunay Ministro nang Dios sa lupang ibabao.
Baga ma't gayon ang nangyaring lub?s pag-ibig nang Ama'y lumalalong puspos sa naquiquita niya't napapanuod sa caniyang an?c carunun~gang imp?c.
Mula sa hindi n~ga na nahuhulog man sa tanang "exameng" pinagdadaanan, at caya't baga man may lungcot na taglay ang gal?c sa puso'y siyang gumiguitao.
Gayong pag-aaral ay hindi nagluat "?rdenes menores" ay quinamtang cagyat caya lalo na n~ga ang "familiang" lahat toua'y mago't mago sa dibdib namugad.
N~guni't uala pa siya na apat na buan n~g pagca tangap niya n~g "?rden" quinamtan nagcaroon nang gulo sa tinatahanan Colegio nang Letran sa fraileng casaman.
Caya nacaisip ang tanang Colegial gayong pag-aals? sa pacan?ng tunay binabago nila ang caugalian na dating paquita sa canilang tanan.
Oras n~g hapunan n~g mangyari ito na aquing sinabi na pagcacagul? caya ang guinaua n~g Fraileng pan~gulo sa justiciang bayan ay napasaclolo.
Dahil sa marami ang Fraileng nasactan may bali ang but? at may nasugatan; caya yaong habla umano sila rao ibig na patain nang tanang colegial.
Naparatan~gan pa na naguing pan~gulo itong ating Burgos sa nangyaring gul?, datapua uala rin naguing hanga ito cundi ang pasia iuan ang Colegio.
Silang calahatan paalisin lamang sa Colegiong yaon sa iba'y mag-aral n~guni't di nangyari pagca silang tanang sa m~ga Fraile curang namanhican.
Dahil sa marami di nacatapos pa n~g canicanilang tun~guhing carrera caya't napilitan nagtiis din sila sa m~ga pasun?d n~g Fraileng lahat na.
Caya di nalaon siya ay lumipat n~g hindi na siya tumagal sa hirap sa m~ga pasunod niyong Fraileng lahat Colegiong S. Jos?, ang tinun~gong agad.
Ang namamatnugot sa colegiong it? ang quilalang doctor si Padre Mariano Garc?a ang caniyang dalang apellido tunay na tagalog tauong filipino.
Nang siya'y matira at dito mag-aral ay hindi nagtagal siya'y inordinan nang pagca <
Hindi nacaraan ang ilang panah?n sa madaling sabi nama, i, nagcataon nagcaron nang isang noong "oposici?n" sa tanang Di?cono mag "cura" ang layon.
Noon ay "vacante" yaong catungculan segundo curato sa sagrariong mahal nang bunying S. Pedro balitang Catedral sa sangcapuluan nang Maynilang bayan.
Sa guinauang ito: "oposici?ng" tiqu?s nan~guna sa lahat si Burgos na ibig, caya tinam? niya sa talas nang isip gayong "Pagcucurang" caloob nang Lan~git.
Add to tbrJar First Page Next Page