bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read Ebook: Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at Nang Manga Nacasama Niya na Sina P. Jacinto Zamora P. Mariano Gómez at and Nadayang Miguel Zaldua by L Pez Honorio

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

Ebook has 331 lines and 13365 words, and 7 pages

Sa guinauang ito: "oposici?ng" tiqu?s nan~guna sa lahat si Burgos na ibig, caya tinam? niya sa talas nang isip gayong "Pagcucurang" caloob nang Lan~git.

Ang tungcol na ito hindi matatam? nang sino't alin mang cahit may "empe?o", cungdi ang may taglay pagca Presb?tero ay siyang marapat na magcamit nito.

N~guni at sa dunong nitong ating Burgos baga ma't Di?cono ay quinamtang lub?s palibhasa dising naasa sa Dios matalinong lubha maganda ang loob.

Maca ilang buan ay quinamtang cagyat pagca licenciado sa bunying <> niyaong filosof?a sa gayong capahat, gayong pag-aaral na lubhang mahirap.

Hindi nacaraan ang malaong arao nahalal na mul? siya, i, maguing "fiscal" sa "juzgadong" sacdal "eclesi?sticong" hirang at sa "ceremonias" ay "maestro" din naman.

Ito ay caloob nang daquilang Rector sa Sto. Tom?s n~ga, mula sa di gayong carunun~gan niya na ualang caucol na napagquiquita nang tanang naroon.

Nang ito'y matam? dito na nagcamit nang dan~gal na lalong ualang cahulilip caya ang bala na n~ga nagalang na tiquis baga ma't matanda't caniyang cauan~gis.

Ang boong Maynila dito na nagtaca sa dunong na in~gat ualang macapara nitong ating Burgos na caaya-aya pati n~g ugali at loob na dala.

Di pa nagluluat ang panahong ito n~g caniyang pagtangap ng lahat n~g <>, ano't nagcataon sa Espa?ang reino nagcaron n~g isang malaqui n~gang gulo.

Ito'y noong ta?ng isang libong ganap ualong daan anim na puo't ualong singcad buan n~g Septiembre sa istoriang saad n~g ito'y mangyari caguluhang cagyat.

Dalauang binata ang naguing pan~gulo na taga Maynila, Manuel at Antonio Regidor ang n~galan sa nangyaring gulo sa bayang Espa?a niyaong unang daco.

Caguluhang ito ay ualang ano man, na hindi n~ga gulo n~g pagpapatayan, cung di isa lamang na pag-uusapan n~g Fraile't Tagalog sa Gobiernong mahal.

Pagtatalong ito ay di nai-iba cung di yaong gust? nito n~gang dalaua ang magcaron dito mabuting reforma n~g pamamahala tayong lahat baga.

Ang tanang cl?rigo, ang dapat n~ga lamang mag cura sa lahat m~ga bayan bayan nitong Filipinas, at magcaron naman n~g representacion de Cortes ang n~galan.

At cusang baguhin, pag-ayusing cagyat ang escuelang bayan at colegiong lahat, at ito'y ibigay ang siyang marapat sa Paring tagalog tubong Filipinas.

Ang gayong usap?n ay lumaquing tunay ang lahat nang Fraile'y pauang naguluhan, caya't napilitang sila ay naghalal n~g Procuradores na Fraile rin naman.

Si Fray Jos? Checa at Fray Joaquin Coria ang naguing defensor taga usig baga ng usap?ng ito sa dalaua'y habla na taga Maynila sa baya'y may sinta.

Sa lahat n~g <> ang usap?ng ito sa Corte n~g Madrid nalagdang totoo't pauang naaayon tanang art?culo sa tanang tagalog, Fraile siyang talo.

Baquit ang isa pa naquiayong tunay isang tubo rito na naguing general D. Jos? Orosco Zu?iga ang n~galan at iba pa n~gani na may catungculan.

Na sina D. Juan Z?enz de Vismanos Jos? Ochoteco, Rafael na bantog Garc?a L?pez n~gani ang pan~galang lub?s n~g m~ga nag-usig na pauang tagalog.

Sa pagtulong nito na lubhang malihim, ang lahat n~g Fraile ay di napatiguil, lalong inululan n~g galit na tambing sa dalauang ito na Regidor natin.

Lalong lalo na n~ga n~g sila'y lantacan sa diariong <> halos arao arao n~g binatang Manuel, Fraileng calahatan lalong nan~gag-usig panalo'y macamtan.

Dito na si Burgos cusang sumulat na ilang <> casagutan baga sa lagdang sinulat n~g Fraileng si Coriang naquiquipagtalo mag-uagui ang pita.

Sa usap?ng ito n~g cusang malaman, ang ating si Burgos dito ay capisan, ang lahat n~g Fraile lub?s n~g tumahan, tinimpi sa loob yaong cagalitan.

Dito na umusbong sa canilang dibdib si Jos? Burgos n~ga ay sinumpang tiqu?s at paghigantihan gauan niyaong pan~git lihim na pacan? na asal balauis.

Baga ma't gayon na ay cusang tumiguil ang lahat n~g Fraile sa gayong usap?n, di rin naampat at napatuloy rin sapagca't tumauid sa lupain natin.

Sa boong lauigan nitong Filipinas caguluhang ito cusang lumaganap dahil sa ang lahat na Fraileng dulin~g?s ay pauang nagbago n~g ugaling in~gat.

Yaong pan~gan~gamcam siyang natutuhan nang lupa at buquid sa catagaluga't cusang pataasin ang dating cabuisan n~g m~ga hacienda na atin di't tunay.

Caya siyang mula n~g panghihimags?c niyaong si Eduardo Camerinong sulit na taga Caviteng nahalal na tiqu?s pan~gulo sa hocbo na pauang nilupig.

Isa pang casama ni Eduardong hirang ay yaong si Luis Parang ang pan~galan na siyang namuno sa bayan n~g Tan~guay n~g paghihimagsic sa Fraileng sucaban.

Ang bayan n~g Imus noo'y gulongulo sapagca't nacuha nitong si Eduardo caya't n~g mahuli ang dalauang "lego" sa "casa hacienda" binitay n~ga nito.

N~g ito'y matanto n~g bunying general nagulo ang diua caya't naisipan tumauag n~g pulong sa lahat n~g mahal na m~ga tagalog n~g ito'y mahusay.

Pagca't yaong gul? lubhang malaqui na di na naapula ano mang gauin niya, hangang sa inabot ang <> sinilabang tunay n~g nag si pag als?.

Caya naisipan n~g upang tumahan caguluhang ito nasabing general, ang tanang tagalog na may carunun~gan at caunting yaman bigyang catungculan.

Caya n~ga't inipon si Roxas, Vismanos, Ascarraga't Tu?son, Gonz?lez na lub?s, Padilla't Esquivel, si Calder?ng bantog saca si Icasa pauang filipinos.

Sila hindi iba ay cusang nahalal <> na puno sa bayan, saca n~ga sinunod ang ilang cabanghay niyong cay Regidor <> na tanan.

Dito na naghalal sa corte n~g Madrid n~g isang Comisi?n sa nag-uusig nitong si Regidor na di naiidlip tayong calahatan mapaiguing tiqu?s.

Caya ang Ministro de Ultramar noon ay siyang namuno gayong pagpupulong, at ang m~ga vocal sa ganitong layon m~ga generales na ualang caucol.

Na sina Orosco, Saportillang tunay Gandara at sina Ochoteco naman, Coballes na pauang coroneles lamang Rodriguez, Bona't Pillon iba pang capisan.

Ang pulong na ito pauang nag caisa at pinaayunan ang tanang "reforma" nitong si Regidor na capisan nila gayong pag-uusap sa guinauang junta.

Caya n~g matapos itong pag-uusap dito sa Maynila'y pinahatid agad niyaong capulun~gan sa Madrid na hayag ang naguing pasiya n~g upang malutas.

N~guni sa sam? din n~g pamamahala n~g Gobierno rito'y isinalamuha sa "junta" n~ga rito yaong fraileng madla uala n~g inimbot cundi ang masam?.

Dina naalala itong ating Burgos doo'y isinama't cusang inilah?c caya sa uala rin dito'y napanuod na "caliuanagan" tanang filipinos.

Sa gayong nangyari yaong caguluhan dito sa Maynila, Bulacan at Tan~guay Silan~ga't iba pang m~ga lalauigan ay lalong lumubha apuy ang cabagay.

Ang man~ga pinuno't tanang autoridad dito sa Maynila'y nagulong cagyat caya napatulong sa loob na tapat n~g m~ga tagalog may dunong na in~gat.

N~g upang maampat cusang mapatiguil caguluhang ito na ualang cahambing caya sinunod na ang lahat n~g hil?ng n~g tanang tagalog may dunong na tambing.

Si Padre G?mez n~ga ang siyang guinaua comisi?ng nahalal cusang papayapa sa cay Camerino na naghimagsic n~ga sa bayan n~g Tan~guay, Imus na daquila.

N~g ito'y parunan niyaong Padre G?mez ay hindi nalaon ang paghihimagsic, dahil sa pan~gaco n~g autoridades sa tanang tagalog na nag-alsang tiqu?s.

Caya ang "tratado" biglang pinirmahan sa bayang Navotas n~g bunying general sa pinamansagang balitang tulisan na si Camerino at si Luis Parang.

Ang lahat n~g Fraile noo'y nan~gag-gal?c pagca't napayapa caguluhang cagyat, at tanang <> nilang ini-in~gat, ay muling babalic na di magluluat.

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

 

Back to top