bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read Ebook: Dating Pilipinas by Calder N Sofronio G

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page

Ebook has 257 lines and 25705 words, and 6 pages

DATING PILIPINAS

SINULAT NI

SOFRONIO G. CALDER?N

MAYNILA:

Imprenta, Librer?a at Papeleria

ni J. Martinez

Daan Jolo bilg. 310.--Binundok.

Ipinagbibili ang aklat na ito sa lahat n~g aklatan dito sa Maynil?, at sa bahay nang sumulat, daang Lamayan, Bilg. 56, Sta. Ana.-Maynil?.

Ang aklat na ito ay itinatalaga ko sa aking an?k na si Sofronio G. Calder?n.

Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat up?ng mag?ng tulong ko kahi't kaunti sa m~ga di pa nakababatid n~g dating kasaysayan niring Lupang Tinubuan na n~gayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di na isinasaloob n~g iba na lin~gunin pa ang nakaraan; n~guni't kung ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang siya nating pinagbabakasan n~g n~gayon sampu n~g hinaharap, siyang bumubuhay n~g m~ga bagay na nangyayari, siyang kumakandili n~g ating alaala sa ating m~ga kanunuan na ating pinagkautan~gan n~g buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin n~g madl? sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan n~g halos lahat n~g lupain ang pagsiyasat at pag-aaral n~g kanikanilang kasaysayan.

Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa m~ga taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika samp? nang boong paraa't ayos n~g pamumuhay, saka kapua may kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling kasaysayang nain~gatan; at dahil sa m~ga dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin up?ng huag lubhang humab? at tuloy makaya n~g lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin ay mamabigatin n~g karamihan ang halaga sa kamahalan n~gayon n~g pagpapalimbag.

Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinan~go ko sa m~ga aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P. de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa m~ga paaninao ni Dr. Rizal at kaonti sa m~ga aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa m~ga kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester. Marahil din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko pagkasumpong n~g lahat ng kasaysayang kailan~gan, n~gunit inaasahan kong ito ang m~ga pinakamahalaga.

Ipinauunawa ko rin na ang aking pagkasulat nito ay utang na loob ko sa aking amaing si G. Felipe G. Calder?n, kay Mr. J.H. Lamb, at kay Dr. James B. Rodgers na nan~gagkatiwala sa akin n~g kanilang m~ga aklat na nabangit ko sa unahan nito na n~gayo'y mahirap man~gasumpun~gan.

Isa sa m~ga lahing hangang n~gayo'y nan~gananahan dito sa m~ga kapuluang Pilipinas ay ang m~ga "Itim" ? "Ita", at sapagka't ayon sa kapaniwalaan ay siyang unang nan~gamayan dito ay di n~ga maliligtaan sa kasaysayan n~g Pilipinas.

Ang dami, di umano, n~g m~ga ito ay may tatlong yuta at pawang nan~gananahan sa m~ga gubat at bundukin n~g Bataan at Sambales at sa Silan~ganang bundukin n~g dakong hilaga n~g Luzon na mula sa Cabo Enga?o hangang Baler. May man~gilan~gilan ding nan~gananahan sa m~ga bundukin n~g m~ga lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpan~gan Tarlak, Pangasinan, Ilokos Norte, Nueva Ecija at Abra. Gayon din sa m~ga pangpan~gin n~g Rio Grande sa Kagayan at sa ilog Ablug sa lalawigan n~g Kagayan at sa m~ga dating comandancia n~g Infanta at Pr?ncipe na n~gayo'y sakop n~g lalawigan n~g Tayabas. Bukod dito'y mayroon din sa m~ga pulo n~g Mindoro, Panay, Negros, Mindanaw at iba pa.

Ang m~ga taong ito ay nan~gananahan pulupulutong na limalimangpu humigit kumulang at ang hitsura't anyo ay pandak na lilimang paa ang taas, maiitim baga man ang iba'i may kakuyumangihan, malalaki ang mata n~g karamihan, kulot ang buhok at balbasin ang m~ga lalaki, sarat ang ilong, makakapal ang labi at mabibilog ang ulo. Hindi nan~gaggugupit n~g buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon ay pinuputol n~g itak ? sundang kung sakaling walang gunting. Ang ibang itim sa Bataan ay nagsisipagkoronita sa ulo na parang pare upang makasin~gaw ang ipit, di umano, at yaong nan~ga sa Sambales ay nagsisipag-ahit kung minsan n~g kalahati n~g ulo, na mula sa tuktok hangang sa batok.

Ang damit, n~g m~ga lalaki ay bahag lamang sa m~ga balakang at ang sa m~ga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat n~g kahoy.

Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit n~g kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din n~g hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito. Ang m~ga pinuno ay nagpapatulis n~g n~gipin sa harap, at halos lahat ay nan~gagsisipagkudlit sa katawan n~g sarisaring hitsura na ang m~ga lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa m~ga bisig at ang m~ga babae naman ay gayon, din bukod pa sa m~ga harapan n~g hita at sa iba pang dako n~g katawan.

Ang lahing ito ay may ugaling magpabagobago n~g tahanan, at sa ganito'y hindi nan~gagbabahay at ang karaniwang pahin~gahan ay ang paanan n~g m~ga punong kahoy na kanilang pinagtitindigan n~g balangkas na miski paano saka binububun~gan n~g kugon ? n~g miski anong dahon.

Sa pagkabuhay ay nan~gabubuhay sa isda, lamang lupa, sa big?s , at lalong lalo na sa m~ga hayop na kanilang nahuhuli ? napapana, at di umano'y m~ga totoong maibiguin sa lam?n n~g ungoy, saka nan~gagsisikain n~g ahas, palaka bubul? at iba pang hayop na di natin kinakain.

Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ? san~ga kaya n~g kahoy at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila.

M~ga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang m~ga instrumento ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pan~gin~gibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano.

Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan n~g m~ga magulang saka ang bigay-kaya na gaya rin n~g sa ibang lahing gubat. Tungkol sa pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan n~g m~ga ito, n~guni sa m~ga itim na nan~ga sa bundok n~g Mariveles ay ganito di umano. Nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang m~ga abay niya, saka hinahanap n~g lalaki at n~g m~ga abay naman nito hangan sa masumpun~gan. Pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa dakong pagtatapusan n~g pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki n~g gansa sa harap n~g babae at habang lumalakad ay sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa ulo at mukha at lumalakad na payuko. Pagtigil n~g tugtog n~g lalaki ay hinahandugan n~g m~ga kaibigan ang babae n~g kanikanyang kaya. Pagkatapos ay lumalapit ang babae sa isang wari entablado na handa na kapagkaraka na may dalawang dipa ang taas at nililigid n~g kanyang m~ga kamag-anak, saka tinatakbo at inaagaw n~g lalaki na hinahawakan sa bisig at isinasampa sa itaas noong wari entablado na doon sila nauupong dalawa na magkaabrasete. Kung magkagayon ay sumasampa ang ilan sa kanilang m~ga kaibigan at kamag-anakan na nagsisipag-alay n~g kanikanyang kaya, saka nan~gananaog na kasama ang bagong mag-asawa. At pagkapa?aog ay sinasalubong n~g isang matandang lalaki at isang matandang babae na nan~gagsisilagay marahil na pinaka-inaama at ini-ina at siyang nan~gagpapa-ala-ala n~g kanilang payo sa bagong mag-asawang yaon.

Bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang pagsamba sa m~ga bagay n~g katalagahan at sa m~ga kalulua, at ang m~ga matanda at ang m~ga namatay sa kanila ay lubhang ipinakagagalang.

Tungkol sa pagkaparito n~g m~ga ito kung paano at saan nan~gangaling ay di masabi at hangan n~gayon ay di pinagkakaisahan n~g m~ga mananalaysay ang bagay na ito; sapagka't an?ng iba ay galing sa Aprika na nakapagpalipat-lipat sa pulo't pulo hangang Nueva Ginea at mula sa Nueva Ginea hangang dito, at an?ng m~ga bagong mananalaysay ay hindi, kun di ang m~ga ito'y kaibang lahi n~g m~ga itim sa Aprika at talagang tagarito sa Kasilan~ganan.

Ang lahing ito ay nababahagi n~gayon n~g tatlong malaking bahagi: Una'y ang m~ga taong nagsipangubat na d? napasaklaw sa kapangyarihan n~g m~ga taga ibang lupain, ikalawa'y ang m~ga moro ? kumikilala kay Mahoma at ikatlo'y ang m~ga nagsipagkristiano.

Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, n~gayon n~g lipilipi at angkan-angkan.

Ang unang bahagi, na sa m~ga taong gubat, ay lubhang marami ang pagkakapangkatpangkat; n~guni't ang m~ga lubhang kilala ay ang Igorot Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat n~g m~ga taong ito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga tanyag na mananalaysay. An?ng Profesor Blumentrit, sukat dito sa kalusonan at kabisayaan ay napapangkat ang m~ga ito n~g tatlong pu't anim na lipi baga man kalakip na pati nang sa m~ga itim, at an?ng m~ga mananalaysay na Jesuita ay dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay may binangit pa ang m~ga Jesuita na d? ibinibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang salaysay na gaya rin n~g Profesor Blumentrit tungkol sa binangit n~g m~ga Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang m~ga binangit n~g m~ga Jesuita na d? naibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang pagkatala ay hihigit pa n~ga sa tatlong pu't anim na bilang niya. N~guni't hindi lamang ito, kundi dumating dito ang m~ga Americano at pinagsikapan ding masiyasat itong iba't ibang liping nagsisipangubat, na sa m~ga sumiyasat at nakakita n~g m~ga ito ay di maliligtaan sina Dr. Barrows, Comicionado Dean C. Worcester, John C. Foreman. Dr. M.L. Miller, Capitan Charles E. Nathorst, at Capitan Samuel D. Crawford at di rin nan~gagkaiisa n~g isipan bagay sa m~ga liping ito; sapagca't ani Dr. Barrows ay tatatlo ang liping malayo rito at kung bag? man anya't marami ay angkan lamang n~g tatlong ito ang iba, samantala namang ang sa Comicionado Dean C. Worcester ay anim ang liping malayong narito at an?ng iba ay isang gayon: ano pa at iba't iba. Kung alin ang matuid sa m~ga salaysay noong m~ga una sampu nitong m~ga huli ay di natin masabi at hangang n~gayon ay di pa lubos na kilala ang boong paraa't ayos n~g pamumuhay niyang m~ga taong gubat na nabangit baga man masasapantahang di lubhang magkakaiiba,

Ang ikalawang bahagi na sa m~ga moro, ay gaya rin n~g sa m~ga taong gubat na napapangkat n~g lipilipi at angkan-angkan, na ang iba'y sa Dabaw, ang iba,y sa Samboanga, ang iba'y sa Kottabato at ang iba'y sa iba't ibang dako n~g Hulo't Mindanaw na pawang may kanikanyang n~galan. Ang m~ga ito ang may lalong malinaw na kasaysayan kay sa lahat n~g lipi rito sa Pilipinas, dahil marahil sa maagang pagkasulong nila sa katalinuang pakamahometano at pagkapagin~gat nila n~g kanilang m~ga alamat at m~ga alaala n~g dating pamumuhay n~g kanilang m~ga kanunuan. Tungkol dito ay di dapat ligtaang basahin ang salaysay ni Naajeb M. Saleeby sa kanyang aklat na kasusulat pa lamang.

N~gayon n~gang batid na natin ang dinamidami nitong m~ga lipilipi at angkan-angkang nan~gananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang m~ga ito ay katutubo rito ? kung bakit nan~gaparito at saan nan~gangaling.

Kung paano ang pagkapasimula n~g pagkakaparito n~g m~ga ito ay di natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua't ang m~ga pagkakaganiganito n~g m~ga tao noong unang dako, na nan~gapapalipat sa ibang m~ga pulo't lupain ay di kaila sa m~ga kasaysayan, at nariyan ang m~ga aklat nina Ratztel, Ellis, John Dunmore at ibp. Noon n~gang una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang kagamitan, kungdi ang m~ga sasakyang may layag lamang ay madalas nangyayari sa m~ga magdadagat na kung totoong nan~gapapalaot sa dagat at inaabot n~g pagbabago n~g han~gin ay nan~gapapaligaw hangang sa m?sadsad sa ibang lupain, at man~gyare, kung hindi na man~gakabalik at kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay natutuluyan n~g doon mamayan, ? kung sakali mang nan~gakabalik at sa ganang kanila ay lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila kay sa lupa nilang tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at nag-aanyaya pa n~g kanilang m~ga kamag-anak at kakilala. Ito n~ga ang matuid na masasapantaha natin, na dahil n~g ikinaparito n~g m~ga taong ito, at dito'y di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang sali't saling sabi n~g m~ga Tagakaola at m~ga Bagobo sa Mindanaw na anila'y sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila n~gayon at ang kanilang pinangalin~gan ay isang lupaing malayong malayo. Hindi ko na bangitin ang lubhang maraming m~ga pangyayaring ganito sa iba't ibang lupain at totoong makapal.

Bagay naman sa pinangalin~gan ay masasabi nating wala n~g iba kundi ang m~ga kalapit lupain At dito naman sa m~ga kalapit lupain ay wala n~g ibang masasapantaha, liban sa m~ga lupang nasa dakong timog, na dili iba't ang kamalayahan dahil sa siyang m~ga tan~ging bayan na kahuad sa kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos lahat n~g ayos at paraan n~g pamumuhay n~g m~ga Tagarito. Sak? anang m~ga mananalaysay, siyang sali't saling sabi n~g m~ga tao rito, na ang m~ga nabangit na lupain ang pinangalin~gan n~g m~ga kanunuan nila. At bagay rito ay may salaysay si P. Colin na anya'y: "May isang taga Kapangpan~gang nakarating sa Sumatra at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan n~g kanyang sariling wika at siya'y nakisag?t na parang siya'y ipinan~ganak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya n~g isang matanda na kayo'y m~ga inap? n~g m~ga nagsialis dito noong unang dako na nan~gamayan sa ibang lupain at di na namin nan~gabalitaan."

N~guni't may isang bagay na hindi lahat n~g tao rito ay Kapangpan~gan ? Tagalog mang ? Bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at marami pa.

Ang kadahilanan nito, sa akal? ko, ay sangh? sa pagkakapangkat pangkat n~g m~ga bayan malayo sak? ang pagkakapangkat pangkat pa uli rito.

Bukod dito ay dapat ding tantoin na ang kamalayahan baga man supl?ng sa isang lahi ay pangkat pangkat din, dahil sa nan~gamamayan hiwahiwalay sa pulo't pulo, na ang iba'y sa Sumatra, ang iba'y sa Java, ang iba'y sa Celebes at ang iba'y sa iba't ibang pulo, bukod pa sa nan~gatira sa kapatagan n~g Malaka, at man~gyare--sa pagkakapulopulo at pagkakahiwahiwalay na ito ay nagkaiba't iba n~g kaonti at sapagka't ang m~ga Tagarito, sa akala ko, ay hindi galing sa iisang angkan n~g m~ga yaon, kundi sa iba't iba ay kaya naman iba't iba rin ang m~ga lipi rito, bukod pa n~ga sa dito ma'y nagkapulopulo at nagkahiwahiwalay pa uli.

Tungkol sa m~ga moro sa Magindanaw ay masasapantahang siyang m~ga huling naparito at ayon sa kapaniwalaan n~gayon ay siyang m~ga kasabay ? kasunod n~g m~ga taga malayang nagsipamayan sa Borneo noong dakong 1400.

Bago nagpuno ang m~ga taga Europa dito sa Kapuluang Pilipinas, ay may sarili n~g paraa't ayos n~g pamumuno ang m~ga tagarito. Ang paraa't, ayos n~g pamunuang ito ay di kagaya n~g sa iba't ibang lupa?n na may isang dakilang puno ? pan~gulo na kinikilala, kundi sa bawa't pulo at lalawigan ay maraming pan~gulong may kanikanyang kampon at sakop na nayon-nayon at lipi-lipi, anopa,t, kaparis din n~g pamunuan sa Espa?a bago nan~gagpaka-pan~gino?n doon ang m~ga Romano't Godo.

Ang bilang n~g m~ga tao sa pinakamunting balan~gay ay limang p? at sa pinakamalak? ay um?abot n~g hangang pitong libo.

Ang ibang m~ga balan~gay ay magkakasund? at hangang sa naglalakip-lakip upang kung salakayin n~g m~ga kaaway ay huwag masupil; n~guni't ang pagkak?lakip na ito ay sanhi n~g pagkakasunduan at hindi n~g pagsas?ilaliman n~g isa't is?; ano pa nga't bawa't balan~gay ay may kanya ring sariling pan~gulo, liban na sa panahon n~g digma na pumipili n~g isang man~gun~gulo sa kanilang lahat.

Ang pamumuno n~g pan~gulo ay paratihan ? sa tan?ng buhay. At ang pagkapuno't pagkam?ginoo ay minamana n~g an?k at kung sakaling wala, ay m~ga kapatid ? kamag-anak na malapit ang humahalili. Ang tungkulin n~g m~ga ito ay pagpunuan ang kan?kanyang sakop at kampon at tuloy lin~gapin ang kanikanilang usap?n at kailan~gan; at ang sabihin nam?n n~g m~ga ito ay iginagalang at ginaganap n~g kanikanyang sakop na m~ga tao. Iginagalang din ang m~ga kamag-anak at inap? n~g m~ga puno, na kung baga ma't hindi nakapagmana n~g pagkapuno ay pawang ibinibilang nam?ng taong-mahal at ipinakatatan~gi sa m~ga taong karaniwan. Kung paano, ang kamahala't pagkamaginoo n~g m~ga lalaki ay gayon din ang sa m~ga babae.

Ang m~ga alipin ito ay siyang pinakamalaking yaman n~g m~ga tagarito, dahil sa n?kakatulong silang malabis sa kanilang n~ga bukira't hanap-buhay, at ang m~ga ito'y na?pagbibili't n??pagpapalit n~g isang pan~ginoon sa ibang pan~ginoon, n~g isang bayan sa ibang bayan, n~g isang lalawigan sa ibang lalawigan at n~g isang pulo sa ibang pulo. Gayon man, ani Argerzola , ay hindi lubhang hamak ang pamumuhay n~g m~ga alipin it?, dahil sa kasalong kumakain sa dulang n~g kanilang pan~ginoon at hangang sa na?aring mag-asawa sa kabahay n~g pan~ginoon, maliban na sa ilang masamang pan~ginoon, na saa't saan ma'y di nawawal?. N~guni't ayon sa salaysay n~g ib? ay lumubha ang kalagayan n~g m~ga aliping ito nang masakop n~g Espa?a ang m~ga tagarito hangang sa ang iba'y nan~gagpakamatay sa gutom at ang iba'y nan~gagpakamatay sa lason, at pinatay n~g ibang in? ang kanilang an?k sa pan~gan~gan?k .

TALABABA:

Ang ganitong ayos n~g pagkakahiw?hiwalay n~g p?munuan dito ay minagaling ni Rizal. Anya'y kung napasa kapangyarihan n~g isang katao lamang ang p?munuan dito nang panahong yaon at anomang bagay ay is?sanguni sa isang lugar, ay magiging mabig?t sa bay?n-bay?n, at sa akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala pa ritong telefono, telegrama at m~ga kasangkapang nagagamit sa madaling pagsasang?nian.

Ani Rizal ay na?ayon sa kautus?n n~g katalagahan ang pag-uugaling it? n~g m~ga dating pilipino, na higit kay sa m~ga tag? Europa na nawawal?n n~g kamahalan ang babae kung nagsasawa sa mababa kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki lamang ang kamahala't kababaan. Anya'y isang katunayan ito na ang m~ga babae n~ga rito'y pinagbibigyan na mula pa noong una.

Dating Pananamit At kalinisan sa kataw?n n~g m~ga tagarito

No?ng unang dako ang m~ga tagarito ay magkakaib? n~g pananamit; na an? pa,t, sa Luz?n ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako.

Ang pagkak?ganit? marahil ay sapagka't galing sa iba't ibang dako n~g Kamalayahan ang m~ga tagarito at inugali n~g isa't isa ang pananamit sa kanikanyang bayang pinangalin~gan.

Sa Katanduanes naman ay nan~gagsasaya ang m~ga babae n~g ayon sa ugali n~g m~ga taga Bisaya, nan~gagsisigamit n~g mahahabang balabal, ang buh?k ay pus?d, na mainam ang pagkasuklay at sa noo'y may sint?s na nababatikan n~g ginto, na ang luwang ay dalawang dali. Sa bawa't tain~ga ay nakahikaw n~g tatlo, isa sa kaugalian n~gayon at ang dalawa'y sa may dakong ita?s na magkasun?d: at marahil ay ang m~ga ito rin an sinasabi ni P. Chirino na nagsisipaggay?k n~g kakatwa sa bukong-bukong.

Bagay nam?n sa kalinisan, lalaki't babae at lalo na ang m~ga m?ginoo, ay totoong malinis sa kanikanyang katawa't bihis; nan~gagpapaitim na mainam n~g buh?k na nagsisipaggugo at nagsisipaglan~gis n~g l?n~g?ng may paban~g?. Sa n~gipin ay lubhang main~gat na lahat, na mula sa pagkabata ay pinapantay n~g m~ga bato't iba pang m~ga kasangkapang pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan n~g ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising.

Bata't matanda ay naliligo sa m~ga ilog at sa malaking bangbang na, ani Morga'y, kahi't sa anong oras, dahil sa di umano'y inaaring pinakamainam na kagamutan: kaya't pagkapan~ganak n~g babaye ay ag?d naliligo at pati bata'y pinaliliguan din. At ani Colin, ang karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalub?g n~g araw, pagkatapos n~g gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian din sa Hap?n. Saka kung naliligo ay mahinhing na?upo na inil?lub?g ang kataw?n hangang sa lalamunan na nan~gagpapakain~gat upang huwag maging tudl?ng n~g mat? nino man.

TALABABA:

Add to tbrJar First Page Next Page

 

Back to top