bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read Ebook: Dating Pilipinas by Calder N Sofronio G

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

Ebook has 257 lines and 25705 words, and 6 pages

TALABABA:

Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa pinakaiin~gatan n~g m~ga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain, pagk? bagong kalilitaw ang sipon at pagka pin?panah?n ang babaye at iba pa.

Palibhasa't ang m~ga Tagarito ay nan~gamamayan at may m~ga tatag na pamahalaan ? balan~gay ay may m~ga hukom at tuntunin ring pinanununtunan.

Ang m~ga hukom sa m~ga usapin nila ay ang kanikanilang pinakapangulo na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama n~g isang dat? sa balan~gay ? n~g isang maginoo sa nayon: at ang pan~gulo sa balan~gay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa n~g ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa kanya ay naparurusahan niya n~g kamatayan ? pagkaalipin ? pagbabayad kaya n~g isang gayon.

N~gunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay ? n~g magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman n~g m~ga may sigalot:

Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ? bilanguang gaya n~gayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin n~g isang gayon ? alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan n~g parusang kamatayan. At up?ng matanto n~g manbabasa ang m~ga tuntunin samp? n~g m~ga salang kinalalapatan n~g m~ga parusang n?bangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod.

Kung ang m~ga pan~gulo sa dalawang balan~gay ay magkaroon n~g ano mang sigalot ? usap ay pumipil? sa ibang balan~gay n~g isang pan~gulo na mailalagay nilang pinakahukom upang humatol sa kanila n~g walang hilig; sa pagka't bag? man sa iba't ibang balan~gay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos magkakaayon di umano.

Kung ang isang maharlika ? timaw?, sa isang balan~gay ay mag-asawa sa taga ibang balan~gay ay hindi makalilipat sa balan~gay na tinatahanan n~g magiging asawa, kungdi magbayad n~g isang gayong halaga na paratang n~g m~ga dat?. Ang paratang na ito ay mul? sa isang putol na gint? hangang tatlo ayon sa paratang n~g balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong balan~gay na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain n~g balan~gay na aalisan ang balan~gay na lilipatan, malibang pagkasunduan na ang m~ga an?k n~g mag-asawa ay hahatiin sa kanikanyang balan~gay.

Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad n~g buis, n~guni't napatutulong n~g pangulo sa kanyang m~ga kailan~gan, gaya sa pagtatay? n~g kanyang bahay ? sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal n~g kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; n~guni't ayon sa salaysay ni Morga ay ibinubuis n~g m~ga kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.

Ang nakamatay n~g isang alipin at humin~gi n~g tawad ay hindi pinarurusahan n~g lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa pan~ginoon n~g halag? n~g aliping napatay saka hinahatulan n~g hukom n~g iba pang parusang kanyang magalin~gin.

Ang nakamatay n~g isang timaua ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; n~guni't kung humin~gi n~g tawad ay inuuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung sakaling salapi ang nag?ng kahatulan ay kalahat? lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahat? ay sa hukom.

Datapua't ang nakamatay n~g pangulo ? maginoo ay pinapatay n~g walang patawad at ang m~ga kaalam ay pawang inaalipin samp? n~g kanilang m~ga an?k.

Upang hulihin ang m~ga magnanakaw ay tinatawag ang m~ga pinaghihinalaan, at m~ga pinapagsasalansan sa isang dako n~g m~ga balaba n~g dahon ? n~g m~ga damit kaya, at kung pagkatapos nito'y masumpun~gan sa salansan ang nawala ay hindi na pinag-uusig pa, n~guni't kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang sumusunod:

Una.--Din?dal? ang m~ga pinaghihinalaan sa isang dakong malalim n~g ilog na bawa't isa'y may dal?ng pangpigil sa ilalim n~g tubig up?ng kung pasisirin ay makapan~guyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito, ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. Di umano'y namamatay ang iba sa pagkalunod dahil sa takot na siyang ariing may sala.

Ikalawa.--Naglalagay n~g isang bat? sa isang sisidlang may kumukulong tubig, saka ipinadadampot sa m~ga pinagbibintan~gan at ang umayaw ay siyang nagbabayad n~g n?nakaw.

Ikatlo.--Pinapagtatan~gan ang m~ga pinagbibintan~gan n~g tig-isang kandila na magkakasinlaki at magkakasinbigat, at kung sino ang unang mamatayan ay siyang inaaring nagnakaw.

Ang parusa namang inilapat sa nagnakaw kung ang ninakaw ay hindi lumalagpas sa halagang apat na putol na ginto ay ipinasasauli n~g hukom ang ninakaw saka pinapagdadagdag pa n~g isang gayon. Kung higit sa apat na putol na ginto ay inaalipin. At kung isang kate na ginto ay nilalapatan n~g parusang kamatayan ? kung dili ay inaapilin ang nagnakaw samp? n~g asawa't m~ga an?k.

Di umano'y kaugalian din naman na sa unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang n~g isang gayon, sa ikalawa'y inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay ? kung sakaling pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu n~g asawa't m~ga an?k.--N~guni't ang an?k na hiwalay sa bahay niya ay hindi idinadamay sa pagkaalipin, dahil sa isipang hindi kaalam sa pagnanakaw.

Kung ang dalawang tao ay magsam? n~g tiggayong halag? upang man~galakal, at ang may hawak n~g salapi ay maharang n~g kampon sa di kasundong balan~gay ay katungkulan n~g kasam? na tubusin ang naharang; n~guni't kung ang pagkapahamak ay kasalanan n~g may hawak n~g salapi ay kailan~gang isauli ang salaping naparual ? kung dili ay n~g m~ga an?k. At kung walang maibayad ay masasanlang pinakaalipin siya at ang kalahati n~g kanyang m~ga an?k sa kasam?ng dapat pagbayaran.

Sa pagmamanahan ay hindi kailan~gan ang testamento, kungdi sukat na ang pahimakas na bilin n~g namatay sa kanino mang kaharap; sapagka't ang bilin n~g magulang ay lubhang mahalag?, dahil sa kapanampalatayan na ang m~ga kalulua n~g kanilang nan~gasirang magulang at kanunuan ay kasama rin nila sa sandaigdigang ito at siyang sa kanila'y nagpapaginhawa ? nagbibigay-hirap ayon sa asal nila ano pa't sa ganito'y hindi inuugali ang pagdadaya at pagsisinun~galing.

Kung sa pagmamanahang ito ay may isang aliping nauukol sa lahat n~g magmamana ay binabahagi ang panahon n~g paglilingkod nito sa bawa't isa sa kanyang papan~ginoonin ayon sa pagkakasunduan nila. Kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin, kungdi kakalahati ? ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay pagbabayaran n~g m~ga pan~ginoon ang paglilingkod niya sa panahon n~g kanyang kalayaan ayon sa kanyang pagkaalipin.

Kung walang kaan?k-an?k liban sa alipin lamang ay walang nagmamana, kungdi ang magulang ? nuno ? m~ga kapatid ? m~ga kamag-anak na malapit n~g namatay at ang ipinagkakaloob lamang sa m~ga an?k sa alipin ay ang gaya rin n~g nabangit na.

Ang bigay-kaya ay napapa sa magulang n~g babae. At ang babae sa kanilang pagkadalaga ay walang ano mang tinatangkilik at kahi ma't kumikita ay sa magulang din.

Kung ang sino man ay magsabi na ibig niyang mag-asawa, kay gayon at sa kaarawan ay umayaw ay pinarurusahan n~g mahigpit at kung mayaman ay sinasamsaman n~g malaking bahagi n~g yaman.

Ang salang makiagulo, palibhasa't sigalot sa sambahayan ay karaniwang sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman n~g matand? ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki n~g isang gayong halaga sa asawa n~g babae na pinakapantakip sa nasirang dangal. At sa minsang nabayaran ay nagsasama uling tiwasay ang mag-asawa at nililimot na ang bagay na yaon, at pati anak ay hindi inaaring anak sa pakikiagul?.

Datapua't ang asawa n~g isang pan~gulo na magkasala n~g pakikiagulo ay nilalapatan n~g parusang kamatayan, at ang lalaking umagulo ay pinapatay kung mahuli ? kung nakataanan ay pinapagbayad n~g isang gayong halaga.

Sa m~ga ganitong sigalot ay matatanda ang humahatol na kasama n~g m~ga kamag-anakan n~g magasawang naghihiwalay.

Kung ang mag-asawa ay naghihiwalay ay hinahati ang kanilang kinita sa kanilang pagsasama, n~guni't ang dating pag-aari bago nagsama ay hindi hinahati, kungdi dinadala n~g isa't isa ang kanyang dati.

Kung ang babae ang humihiwalay sa asawa upang mag-asawa sa iba ay kailan~gang isauli ang bigay-kaya at dagdagan n~g isang gayon, na ang magsasauli nang nabangit na bigay-kaya ay ang magiging bagong asawa. N~guni't kung humihiwalay lamang at hindi upang mag-asawa sa iba ay ang bigay-kaya lamang ang isinasauli.

Kung ang lalaki ang humiwalay, maging sa pag-aasawa sa iba ? hindi man at hindi kalooban n~g babae ay walang matuid ang lalaki na bumawi n~g bigay-kayang ibinigay niya ayon sa salaysay ni P. Colin; n~guni't ani P. Placencia ay isinasauli ang kalahati n~g bigay-kaya.

Kung ang mag-asawang naghihiwalay ay may anak ay napapa sa an?k ang bigay-kaya at ang nag-iin~gat nito ay ang m~ga nuno kung buhay pa ? kung dili ay isang taong mapagkakatiwalaan. N~guni't ani P. Aduarte ayon sa salaysay ni Rizal ay hindi na naghihiwalay ang magasawa kung may anak dahil sa paglingap sa an?k.

Ang sumira n~g puri n~g isang an?k na dalaga ? asawa n~g isang maginoo ay nilalapatan n~g parusang kamatayan.

Ang mahuling mangaway ? mangkulang ay kamatayan din ang parusan inilalapat. N~guni't kung humin~gi n~g tawad ay pagkaalipin na lamang at kung may salapi ay maaaring magbayad n~g isang gayon at huag maalipin, at kung gayon ay ibinibigay ang kalahati n~g salapi sa ginawan n~g masama at kalahati ay sa m~ga hukom.

Ang panunun~gayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa mayaman, sa matanda ? sa babae, at pinarurusahan n~g isang gayong halaga ? kung dili ay pagkaalipin. At kung ang tinun~gayaw ay pan~gulo ? maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na kung gayon ay pagkaalipin na lamang.

Ang tumin~gin n~g walang galang sa pan~gulo at ibp. na gaya nito ay nilalapatan n~g parusang pagkaalipin sa tanang buhay, n~guni't di umano'y bihirang mangyari ito, dahil sa pinakakain~gatang malabis n~g m~ga kampon.

Kung sa gabi ay pumasok ang sino man sa bahay n~g isang pan~gulo ? maginoo n~g walang kapahintulutan ay nilalapatan n~g parusang kamatayan, at karaniwa'y pinahihirapan muna, dahil sa baka sakaling ginagamit na tik-tik n~g ibang pan~gulo; at kung sakaling matunayan na sugong tik-tik ay nilalapatan n~g parusang pagkaalipin at sa nagsugo ay kamatayan, malibang magbayad n~g isang gayong timbang na ginto.

Ang di lubhang malaking pagkakaalitan ? pagmumungkahian sa isang nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan n~g nagkaalit at siyang humahatol ayon sa patotoo n~g m~ga saksi at alinsunod sa minanang kaugalian sa kanilang m~ga kanunuan, ang hatol naman n~g matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila.

Ang karaniwang palakad sa pag-uutan~gan ay patubuan, kung ang may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautan~gan ang kal?hati sampu n~g pakinabang noon hangang hindi nakababayad n~g utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y sa tanang buhay dahil sa lakad n~g tubo.

Ang karaniwang kahatulan sa m~ga usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati n~g bukid at n~g tanang tinatangkilik ay napapa sa pan~ginoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang m~ga anak ay pakain at padamit. Kung sakaling hindi makabayad sa kaukulang panahon ay nan~gagiging alipin; at di umano'y kung sakaling makabayad man ang am? ay sinisin~gil n~g pan~ginoon pati n~g ipinakain at ipinadamit sa m~ga an?k at kung walang maibayad ay nagiging alipin ang m~ga an?k.

Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad n~g isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. N~guni't kung hindi maglingkod n~g ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan.

Ang sino mang mabihag sa balan~gay na kaalit ay inaalipin.

Ang may utang na walang ikabayad ay inaalipin at di umano'y sa m~ga ganitong bagay ay an?k ang karaniwang napapasanla na tumutubos sa magulang.

Inaalipin din ang lumabag sa isang pan~gulo ? maginoo na gaya halimbawa n~g magdaan sa silong ? bukiran nila, ? makasira n~g ano mang pag-aari nila, ? makatapon kaya n~g ano mang dumi kung nagdaraan sila ? magkasala n~g ano man sa m~ga kabahay n~g pan~gulo, at iba pa.

Ang m~ga anak n~g talagang alipin na ay alipin din.

Ang m~ga an?k n~g am?ng laya at n~g inang alipin ay nagiging alipin ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay magiging gaya n~g sa bugtong na an?k.

Ang bugtong na an?k n~g isang magulang na alipin at isa'y laya ay kalahat? lamang ang pagkaalipin. Ang ganitong alipin ay naglilingkod n~g salisihang buan sa makatuid baga'y isang buang ipinaglilingkod ang bahagi niyang laya.

Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay n~g sarili, n~guni't kailan~gang maglingkod sa kanyang pan~ginoon sa panahon n~g paghahasik at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo n~g bahay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin.

Ang aliping sagigilir ay hindi nakabubukod n~g bahay at may katungkulang gumawa n~g ano mang ipagawa sa kanya n~g pan~ginoon sa tan?ng buhay niya.

Ang kakalahati ang pagkaalipin ay naglilingkod n~g salisihang buan. At sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya n~g sa ganang kanyang sarili ? kung sa pan~ginoon din niya ay may matuid na maipakabig sa kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon n~g kanyang kalayaan na ipinaglilingkod niya. At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay ? kung sagigilir.

Ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na naglilingkod sa pan~ginoon at isa'y sa kanyang sarili. Ang asawa nito ay naglilingkod din sa kanyang pan~ginoon n~g kapara niya.

Ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang araw sa pan~ginoon at tatlo'y sa kanyang sarili.

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

 

Back to top