bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read Ebook: Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona by Ignacio Cleto R

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page

Ebook has 307 lines and 10106 words, and 7 pages

ang di sa pal? yaong sa catauang hilig na masama, na laguing pinag-cacahirapang lubh? yaong capurihang di ibig masira.

At cahima,t, gayong caayos ang asal tunay na caniyang di pinararaan, ang man~ga pagdulog sa lahat nang araw na nagcucumpisal at nakikinabang.

Tanang camalian lalong maliliit ? ang caculan~gan ay isinusulit, marahil ang tauong hindi nag-iibig nang ganoong gaua,i, magtatacang labis.

Dahil sa malimit na man~ga pag-tangap niyong man~ga Santo Sacramentong uagas, gayon cung magsabi yaong man~ga tamad sa gauang magaling, matamlay gumanap.

Sa pagcucumpisal na laguing pag-dulog sa confesonario na aua ang handog, sa tauong may man~ga taimtim na loob sa nin~gas nang nasang calugdan n~g Dios.

Sa pagkita niyong man~ga caculan~gan ag?d hinahanap ang caliuanagan, na di napupuna nang ibang ang layaw sa Mundo, ang laguing na sa gunam-gunam.

N~guni,t, sa matibay ang sampalataya ang confecio,i, taga pamatnugot nila, siyang bumubuhay niyong calulua nang macasalanan na pat?y sa gracia.

Capakinaban~gan nila sa madalas na pag-cucumpisal gracia,i, nag-dagd?g, at tinatalicdan yaong gauang linsad at ang calooban ay napapanatag.

Sanhi sa pagtangap nang capatauaran sa man~ga nagaua niyang casalanan, at sa calulua,i, nag-ninin~gas naman ap?y nang pag-ibig na lalong dalisay.

Cung sa ating pus? naman ay mag-alab ang buhay na sampalataya at uagas, pananalig saca pag-ibig na tapat ang calulua at gracia,i, matatangap.

At doon dudulog sa mahal na dulang nang pagcain niyong mahal na tinapay, nang man~ga Angeles, na di matimban~gan yaong ca?liua,t, pag-papahinapang.

Sa paglacad nila na pasan ang Cruz sa mahal na piguing niyong mananacop, nagbibigay lacas at sigla nang loob nang sa Mundo,i, bilang nilang pagtalicod.

Cusang paghahandog sa Dios na Am? nang pagca-totoong man~ga lingcod sila, at sa canin~gasa,i, lubos ang pag-asa sa dibdib, nang nas? sa tuituina.

Na sa balang oras ay laguing tangapin si Jes?s, sa Hostiang doo,i, nahabilin, at manaca-nacang iniuurong din ang pag-cocomunio,t, ala-ala dahil.

Ang di n~ga carapat-dapat magpatuloy sa caniyang pus?, yaong Pan~ginoon, na ang camahalan ay ualang caucol nang calac-ha,t, ualang capantay na dunong.

Sa pakikibacang capacumbabaan at yaong malaki niyang cagutuman, sa pagcain nang camahal-mahalang Man?, ang totoong ikinahahambal.

Cung minsa,i, totoong mahigpit na lubha ang loob, at sanhi nang ilinuluha, nang di cacaunti at lubhang sagana n~guni at inaliw nang Poong dakila.

Na huag matacot ? An?c cong hirang at huag lumayo sa laang cong dulang, sinomang tutun~go dit?,i, nag-tataglay nang dakila,t, ucol bag?ng calinisan.

Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento n~guni,t, ganap naman ang calinisan mo, ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ?ano sa ualang sakit ay anhin ang m?dico?

Cundi sa talaga na may man~ga damdam doon ang m?dico,i, kinacailan~gan, sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay ang totoong lunas ay masusunduan.

Nang magpipighati,t, magtatamong gal?c ang man~ga mahina ay magsisilacas, at magsisitapang ang man~ga douag maestro at Am? sa han~gad na An?c.

Sa man~ga oveja,i, maauaing Pastor masintahing Hari sa lahat nang campon, at sa man~ga duc-ha,i, tan~ging Pan~ginoon at bucal nang cagalin~gan di sang-gayon.

Nang upang mangyari na tangapin niya ang sinoman sa di mamagcanong gracia, na ibinubob? ni Jes?s na Am? niyong cagalin~gan niyang ualang hanga.

At sa calulua na masusunduan yaong cagalin~gang sa caniya,i, laan, ucol sa pag-gayac siya,i, hinatulan niyong pagtangap sa mahal na catauan.

Sa dakilang sala,i, di lamang malinis, cundi sa lalo mang salang maliliit, biling cailan~gan lamang ang pagligpit sa isang ma?yos na pananahimic.

Lumayo sa lahat nang capopootan nang mat? nang Am?ng macapangyarihan, dapat na taglayin ang pang-hihinapang nang sa lan~git bag?ng man~ga cahatulan.

Caya n~ga at nagdudumaling dumul?g si Margarita, sa pagtangap cay Jesus, at siya,i, hindi na lumay? pang lubos at nag-gunamgunam nang sa puso,i, taos.

Ang di pagcarapat at caralitaan sa caniya, ay siyang nagpasulong bilang doon sa pagtacb? nang batis na tunay nang pagca-dakila at niyong calac-han.

Sa paghahanda ay nagsisicap siya nang icagagaling niyong calulua, at isang mahusay na tahanan bag? nang ualang capantay na Hari at Am?.

Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios na si Margarita nang hindi masayod, na catamisan, at darakilang lugod nang camahal-mahalan n~gang Mananacop.

Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t, nagbibigay nang biyayang mahalaga, nakikipanayam sa cay Margarita sa pananalan~gin niya sa tui na.

Santang mananahing ito ay cung minsan nag-hihinanakit niyong catamlayan, nang loob, sa gauang capalamaraha,t, masamang pag-ganti n~g macasalanan.

Na hinuhulugan ang pusong parati, n~g tanang caniyang m~ga penitente, n~g isang manin~gas na nasang malaki,t, calualhatian n~g Dios na casi.

Sa di mabilang na pagcagaling-galing n~g man~ga saliuang capalarang angkin, parang tumatacbong bulag ang cahambing sa capahamaca,t, ualang hangang lagim.

Namamagitan n~ga ay si Margarita,t, siyang humahandog na magtiis siya, dahilan sa gauang catacsilan nila ang hirap sa Mundo ay di alintana.

Madalas sabihing aniya,i, An?c co niyong Pan~ginoon nating Jesucristo, aniya,i, di bag? napagmamasdan mo ang lagay n~g lupang ito cung paano.

Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran niya, n~g malaking catampalasanan, ang m~ga pag-ibig, niyong catamlayan man~ga pagsiphayo,t, caalipustaan.

May man~ga asauang cusang humahandog sa cahalayan n~gang cakilakilabot, ang binata namang nagbibiling lubos niyong calulua, sa camunting lugod.

Ang hiyas na taglay niyang calinisan n~g man~ga binata,t, n~g may asaua man, napabibihag sa ualang casaysayang pagmamarikit na laking casiraan.

Na caugaliang batis niyong sama niyong libolibong man~ga pagdaraya at saca n~g m~ga casalanang paua na sanhi n~g man~ga pagcapan~ganyaya.

Cung may naliligtas ditong man~ga ilan sa bahang mabilis n~g gayong casam?n, napaalipin sa caparan~galanan sa hamac na pitang man~ga capurihan.

At gayon din sa pag-dedevoci?n at sa malimit man na pagtangap tuloy niyong Sacramento ni Jes?s na Poon ay boong capacumbabaan ang ucol.

?Paano ang lagay cayang inaasal n~g ibang may hauac niyong catungculan, na hucom, na nagbibili n~g catuiran at inaapi ang ualang casalanan.

O dahil sa suhol at pagsamong gaua ? sanhi sa cayamanang di sapala, n~g m~ga campon n~g sakim na adhica na man~ga tauo n~gang hindi nahihiya.

Na maghandog niyong inciensong bulaan na puring cunua sa may catungculan, gayon din ang man~ga naghahanap-buhay na di ginagauang hustong catuiran.

Saca yaong lahat nama,i, dinadaya n~g upang macamtan ang anomang nasa ang cabulaana,t, pagpapan~ganyaya at man~ga paraang iba,t, ibang gaua.

Ang di nahahabag na sinoman siya sa man~ga bao co at man~ga ulila na ualang mag-ampon at saca bagcus pa na cusang ginahis nilang tinalaga.

Tanang pag-aaring nan~gadayang lalo sa canilang lalang na pagpapatubo ?paanong ang lan~git caya,i, ibububo ang gracia, sa man~ga tampalasang pus??

Na di pansin yaong man~ga casalanan loob ay matigas cung sa cabandayan yao,i, isang moog na nacahahadlang n~g sa Dios bag?ng man~ga ca?ua?n.

Yaong man~ga yaman ? aring linupig sa apong ulila pamangkin mang cahit, maguing sa ib? ma,i, ibigay mong pilit sa payapang land?s nang di ca malihis.

At huag mo sanang ilicmo sa nasa na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa, cung malinlang mo man ang iyong capua ang Dios ay hindi mo na madadaya.

Add to tbrJar First Page Next Page

 

Back to top