bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read Ebook: Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona by Ignacio Cleto R

More about this book

Font size:

Background color:

Text color:

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

Ebook has 307 lines and 10106 words, and 7 pages

At huag mo sanang ilicmo sa nasa na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa, cung malinlang mo man ang iyong capua ang Dios ay hindi mo na madadaya.

Masasarapang ca hangang guinugugol yaong yamang hindi ic?w ang nagtipon subali,t, pagdating n~g tacdang panahon ic?w ang sa dalita naman ang tataghoy.

Ang iguinagalang na pantas mong isip na ang lalong lico ay pinatutuid, darating ang araw na ipag-susulit sa Hucom na di ca macapaglilic-lic.

Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t, ang huling darating ay di ala-ala, ipinapalit mo sa munting ligaya ang Lan~git na ualang catapusang saya.

Cung gayon ang iyong acala icaw sa iyong sarili ay madarayaan, ang camatayan mo,i, mabuti na lamang cung di magtumuli,t, hacbang ay dumalang.

Sa cay Margarita,i, itong hinihiling na iniluluhog nang boong dalan~gin, nang macalilibo na liuanagan din ang malabong isip, ito,i, siyang daing.

?Yaong man~ga aba na saliuang-palad ikinahahambal niyang dili hamac, yaong casalanang napag-tatalastas na di pinapansin niyong man~ga sucab.

Ang hindi sa palang man~ga catacsilan ay iguinaganting pinagbabayaran, sa catauan niya,t, pinahihirapan parang siyang tunay na may casalanan.

Sa guitna nang gayon napagpapasakit sa sarili niya nang calupit-lupit, na pagpaparusang cusang tinitiis sa catauan niya nang calait-lait.

Tanang capaitan sa caniyang loob at lalong masaclap na dusta,t, pag-ayop, ay dinadakilang sa pus? ay taos sa cay Jesucristo ay pag-sintang lubos.

Nagsasacdal siya sa icaa?liw niyong Isang Reyna na ualang cahambing, ualang bahid dun~gis at saca sa Angel nating taga tanod ay idinadaing.

Ipinamamanhic sa magpacalin~ga na V?rgen Mar?a na In? nang aua, sa tanang Angeles sa lan~git na madla ay isinasamo nang boong pagluha.

Madaling pagdin~gig ay napagkilala sa lahat nang man~ga carain~gan niya, loob niya cung minsan ay binuhay pa sa pag-papanayam at pagdalaw bag?.

Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban nang Dios, nang graciang camahal-mahalan, bagong Magdalena ang siyang cabagay nang cay Margaritang biyayang kinamtan.

Sa pag-gaua niya nang man~ga himala sa matining niyang pagpapacabab?, ayon sa caniyang matibay na nasa na pagpapaualang halaga sa lupa.

Cailan~gang gauin sa harap n~g lahat na maguing paraang macahihicayat, camay sa may sakit ay naguiguing lunas na capagnahipo,i, gumagaling ag?d.

Gayon ma,i, di siya pinaghihirapan n~g nan~gagnanasa capagnadain~gan, tungcol sa alin mang gauang caauaa,t, di han~gad gantihin n~g anomang bagay.

Bagcus dumadalo na caracaraca sa may cailan~gan na sinoman siya, sa capua tauo,t, cagalin~gan niya at capayapaa,i, linilisan muna.

Dalauampu,t, tatlong ta?n ding guinanap ang pagsasanay sa pagpapacahirap, at pananalan~gi,t, pag-ibig na uagas ni Margarita, sa tumubos sa lahat.

At iba,t, iba pang man~ga cabanalan, na icararapat sa Poong lumalang, sarisaring gauang cagandahang asal na siyang totoong tunay na uliran.

Upang ipahayag yaong nalalapit n~g araw na dito sa Mundo,i, pag-alis, at n~g salubun~gin n~g nan~gapipiit sa purgario,t, mahan~go sa sakit.

Dahil sa hirap at pag-pepenitencia at pananalan~gin sa tuituina at man~ga pagluhog sa Dios na Am? bilang bayad doon sa canilang dusa:

Sa pagmamasakit na hindi cauasa sa iguiguinhauang tunay niyong madla niyong m~ga caluluang pinagpala sa icacacauas ay handog na paua.

Nang natitira pang casalanang bahid ay binabayaran niya n~g pasakit n~g minsa,i, tatlong buhay na napatid na idinadalan~gin sa Dios sa Lan~git.

Yao,i, di nag-iuan n~g mabuting tanda na sila ay napacagaling na cusa, ay naguing dapat ding siya,i, pakingan n~ga ni Jes?s, at tuloy ipinaunaua.

Na ang calulua n~g tatlong namatay uala sa Infierno,t, nagtitiis lamang, n~g ban~gis n~g madlang man~ga cahirapan ayon sa mabuting man~ga cahatulan.

At dahil sa Hucom na lubhang matuid saca sa pagdalaw n~g man~ga Angeles, halos ualang sucat ica?sang labis sa icagagaling na canilang nais.

N~guni, sa pan~gahas na man~ga acala, niyong man~ga tauo na nan~gabibigla ay na sa Infierno ang canilang haca na hinahatulan agad yaong capua.

Sa bagay talos nang man~ga cahirapan n~g nan~gapipiit sa calumbaylumbay, na sinasapit nang na sa bilanguan na dusa, sa gaua nilang casalanan.

Maipahayag na sa caniyang matapos n~g lubhang dakilang mahabaguing Dios ay totoo niya na ikinalugod ang gayong balitang caniyang natalos.

At saca muli pang idinaing nito ang man~ga capalamarahan nang tauo, dahil sa casam?n nilang di gaano ang hampas sa bayan ay ibinubunto.

Para bag? bilang na napipilitan yaong pagbulusoc n~g casacunaan, at ayaw umulat nang nan~gamamayan ang mat?, sa samang dapat na ilagan.

Niyong masabi na sa cay Margarita ang tantong mapalad na pagpanaw niya, sa Mundo, ay tunay na nanghihina na sa higpit nang man~ga pag-pepenitencia.

Yaong natutupoc mandin ang cauan~gis sa alab n~g apoy n~g laking pag-ibig may maliuanag man siyang nalilirip niyong cagalin~gan niyang ninanais.

Hindi dahil dito ay pinabayaan ang man~ga pag-gaua niyong cabanalan, yaong paghahanda at naaalaman ang catacot-tacot na huling pagpanaw.

Tinangap na hindi sucat na masayod nang cataimtiman sa caniyang loob, ang bi?tico n~gang casantusang lubos nitong bunying Santang catoto n~g Dios.

At sa loob niyong labing-pitong araw ay ualang kinain na cahit anoman, at ang ikinabubusog niya lamang ay ang sa Lan~git na man~ga caaliuan.

Na uma?paw sa caniyang calulua sa pagca-talastas na nalalapit na, yaong cauacasan niyong buhay niya,t, tutun~go cay Jes?s niyang sinisinta.

At magpasaualang hanga,i, matatamo sa labi ay ualang bigcas cundi ito, man~ga pakiusap na di mamagcano sa camahal-mahalan niyang Esposo.

Yaong maicli n~gang man~ga panalan~gin na madagabdab na ap?y ang cahambing, sa caniyang pus? ay di nagmamaliw ni camunting oras ay di nagtitiguil.

Araw na ica dalauang pu,t, dalaua nang Febrero,t, ta?ng isang libo,t, saca dalauang daa,t, siyam na pu,t, pito pa ay sa Santo Cristo,i, nacayacap siya.

Na nacadaiti ang labi sa mahal na sugat n~ga bagang na sa taguiliran, inihahabilin sa ualang capantay na Dios, ang calulua niyang papanaw.

Noo,i, apat na pu,t, ualong ta?n siya dalauang pu,t, apat na nag-penitencia, may nag-sasabi na ang An?c niya ay naguing banal din na Religioso pa.

Doon din sa Orden na cay S. Francisco na huli sa In? na namat?y ito, n~guni,t, nang oras na pumanaw sa Mundo ang buhay nang Santa,i, nakitang totoo.

Nang isang dakila na lingcod nang Dios na ang calulua,i, umakyat na lubos, sa bayang lualhating ualang pagcatapos madlang calulua ang nacalilibot.

Sa pag-tatagumpay ay nan~gagsasaya at sa purgatorio,i, nacalabas sila, n~guni,t, yaong bangc?y nang mahal na Santa ay gumandang lalo cay sa n~g buhay pa.

Humahalimuyac ang labis na ban~go na naca-a?liw sa nacasasamyo, caloob nang Dios ang dan~gal na ito sa bangcay nang nagpacahirap sa Mundo.

Na sinagaua nang man~ga penitencia nang pula,t, paglait dusta at pagmura, cusang sinagasa,t, di inalintana ang lahat na yao,t, niualang halaga.

Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad ang balita niyong camatayang uagas, n~g malualhati na Santang mapalad gayong di mabilang ang nan~gacamalas.

Sarisaring tauo ang nan~gagsidalaw pagbibigay galang sa mahal na bangcay, niyong maralitang mananahi,t, bilang pagpapahalaga na dakilang tunay.

Niyong cabanala,t, sa di gagaano na pagcacatipon n~g maraming tauo, binabantayan n~ga ang cabaong nito sa pagsisicsican n~g nagsisidalo.

Add to tbrJar First Page Next Page Prev Page

 

Back to top