bell notificationshomepageloginedit profileclubsdmBox

Read this ebook for free! No credit card needed, absolutely nothing to pay.

Words: 25705 in 11 pages

This is an ebook sharing website. You can read the uploaded ebooks for free here. No credit cards needed, nothing to pay. If you want to own a digital copy of the ebook, or want to read offline with your favorite ebook-reader, then you can choose to buy and download the ebook.

10% popularity   0 Reactions

DATING PILIPINAS

SINULAT NI

SOFRONIO G. CALDER?N

MAYNILA:

Imprenta, Librer?a at Papeleria

ni J. Martinez

Daan Jolo bilg. 310.--Binundok.

Ipinagbibili ang aklat na ito sa lahat n~g aklatan dito sa Maynil?, at sa bahay nang sumulat, daang Lamayan, Bilg. 56, Sta. Ana.-Maynil?.

Ang aklat na ito ay itinatalaga ko sa aking an?k na si Sofronio G. Calder?n.

Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat up?ng mag?ng tulong ko kahi't kaunti sa m~ga di pa nakababatid n~g dating kasaysayan niring Lupang Tinubuan na n~gayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di na isinasaloob n~g iba na lin~gunin pa ang nakaraan; n~guni't kung ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang siya nating pinagbabakasan n~g n~gayon sampu n~g hinaharap, siyang bumubuhay n~g m~ga bagay na nangyayari, siyang kumakandili n~g ating alaala sa ating m~ga kanunuan na ating pinagkautan~gan n~g buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin n~g madl? sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan n~g halos lahat n~g lupain ang pagsiyasat at pag-aaral n~g kanikanilang kasaysayan.

Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa m~ga taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika samp? nang boong paraa't ayos n~g pamumuhay, saka kapua may kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling kasaysayang nain~gatan; at dahil sa m~ga dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin up?ng huag lubhang humab? at tuloy makaya n~g lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin ay mamabigatin n~g karamihan ang halaga sa kamahalan n~gayon n~g pagpapalimbag.

Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinan~go ko sa m~ga aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P. de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa m~ga paaninao ni Dr. Rizal at kaonti sa m~ga aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa m~ga kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester. Marahil din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko pagkasumpong n~g lahat ng kasaysayang kailan~gan, n~gunit inaasahan kong ito ang m~ga pinakamahalaga.


Free books android app tbrJar TBR JAR Read Free books online gutenberg


Load Full (0)

Login to follow story

More posts by @FreeBooks

0 Comments

Sorted by latest first Latest Oldest Best

 

Back to top